CITY GOVERNMENT OF CALAMBA

OFFICIAL WEBSITE

health.JPG

Para sa Kalusugan - Galaw at Wastong Pagkain

 

Patuloy ang pagsuporta ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba sa pamamahala ni Mayor Justin Marc “Timmy Chipeco” , Vice Mayor Roseller “Ross’ Rizal at myembro ng Sangguniang Panglungsod para sa kalusugan ng mga mamamayan na kanilang nasasakupan. Sa ginanap na Nutrition Month noong July 2019 na may temang “KUMAIN NG WASTO MAGING AKTIBO I PUSH NATIN ‘TO.” Sinabi ni Ms. Aleli Catalina Jimenez, isang Nutritionist, na kailangang magkaroon ng karagdagang kaalaman ukol sa tamang nutrisyon upang mapanatiling malusog at malakas ang pangangatawan at tamang paghahanda ng pagkain para sa pamilya. Dagdag pa na iwasan ang pagkain sa mga fast food sapagkat ang mga ito ay mataas sa fats, sugar at salt na karaniwang pinanggagalingan ng iba’t-ibang uri ng sakit, sa halip, kumain ng gulay at prutas.

     Bukod dito, binanggit din nya na ang pokus ngayong taon ng nutrisyon ay ang pagkakarron ng Physical Activity. Mapapansin na ang mga kabataan ngayon ay sobra
sa paggamit ng mga gadgetskung kaya’t nawawalan na ng exercise. Kung maaari ay  tumayo tayo, mag stretching, maglakad lakad lakad ng isang minuto kada dalawang oras (matanda o bata) sapagkat ang “Prolong sitting and lying is next to smoking” 

     Sa pangunguna ni Dr. Adelino Labro , City Health Officer nagsagawa ang kanilang tanggapan ng ibaibang programa upang higit na maintindihan ang tema ng selebrasyon gaya ng Market Fair, Palarong Pinoy tulad ng sipa, patintero at iba pa, Poster Making Contest, Calambulilit Kusina Master, Kiddielympics, Zumba Contest,at Nutri Puzzle . Nagsagawa rin ng Nutri Forum ukol sa Healthy Diet at Exercise . Ginawaran ng parangal ang lahat ng sumali at mga nagwagi sa mga patimpalak noong 31 July 2019. -Marivic D. Balba