CITY GOVERNMENT OF CALAMBA

OFFICIAL WEBSITE

MAG 4S KONTRA DENGUE

dengue     Kasabay ng tag-ulan ang pagsulputan ng iba’t-ibang uri ng sakit tulad ng ubo, sipon, pagtatae, leptospirosis dulot ng baha at DENGUE na dala ng lamok.

     Noong 10 July 2019 nagsimula ang programa ng City Health Office sa pamumuno ni Dr. Adelino Labro para sa pagdiriwang ng DENGUE AWARENESS MONTH na may temang, “Mag 4S Kontra Dengue”. Nagkaroon ng lecture ukol sa mga pamamaraan at pagiingat upang higit na maiwasan ang pagkakaroon ng sakit na ito.

Ipinaliwanang rin ang kahulugan at kahalagahan ng 4s:
     1. SEARCH AND DESTROY BREEDING PLACESThẻ đổi phần thưởng – kailangang hanapin kung saan namumugad ang mga lamok. Regular na suriin ang lalagyan ng mga pinggan na kalimitang nakakaligtaang linisin, pagpapalit ng tubig sa flower vase, pinag-iimbakan ng tubig at mga kanal kung saan ay may nakaipong tubig.

     2. SEEK EARLY CONSULTATION Thẻ đổi phần thưởng- kumunsulta na agad sa doctor kung makaramdam ng mga sintomas tulad ng lagnat sa loob ng 2 araw, pananakit ng ulo at pagsusuka, upang maagapan ang anumang karamdaman o uri ng sakit.

     3. SECURE SELF PROTECTION Thẻ đổi phần thưởng- magsuot ng pajama at long sleeves upang makaiwas sa kagat ng lamok. May ipinamamahagi din ang Department of Health ng mga treated na kulambo at treated screen para sa mga paaralan.

     4. SAY YES TO FOGGING - huling pamamaraan upang maiwasan ang pagkalat ng dengue. May tamang oras ang fogging o misting, 4-6 sa umaga at 4-5 sa hapon.

     Ayon sa pag-aaral ito ang oras na kalimitang lumalabas ang lamok na may dalang sakit. Higit sa lahat ng ito, mas mahalaga pa rin ang kalinisan hindi lamang sa ating pangangatawan at panatilihin din na laging malinis ang mga kapaligiran. Puspusan ang kampanya laban sa dengue ng Pamahalang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco, Vice Mayor Roseller “ Ross” Rizal at miyembro ng Sangguniang Panglunsod sa pamamagitan ng City Health Office. Patuloy ang pagsasagawa ng misting operation at pamamahagi ng misting machine sa mga barangay na may kaso ng dengue. Nais ng pamahalaan na paigtingin ang mga programang ibinaba ng Department of Health (DOH) para na rin sa kaligtasan ng mga mamamayan. -Marivic D. Balba

67144042_2814162631991299_7523066519559864320_n.jpg  66774147_2793284357412460_3606856669813800960_n.jpg