CITY GOVERNMENT OF CALAMBA

OFFICIAL WEBSITE

pwdcaravan.JPG41st National Disability Prevention and Rehabilitation Week Celebration

Thẻ đổi phần thưởng     Ipinagdiwang ng Persons With Disability (PWD) sa pangunguna ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ang 41st National Disability Prevention and Rehabilitation Week noong 15 – 21 Hulyo 2019 na may temang, “Lokal na Pamahalaan Kabalikat sa Pagtupad ng Karapatan ng mga Taong may Kapansanan” sa pamumuno ng ating Punong Lungsod Justin Marc SB. Chipeco, Vice Mayor Roseller  “Ross” Rizal at ng Sangguniang Panglunsod sa pamamagitan ng City Social Services and Youth Development Office. Naghanda ng mga programa at aktibidades ang PDAO sa pangunguna ng kanilang Section Head, G. Luisito Apacionado.

     Ayon kay G. Apacionado, naghandog ng libreng film showing ang SM City kasabay ang pagbubukas ng Bazaar sa loob ng City Hall na sinundan ng mga programa tulad ng mga
sumusunod:

     16 HulyoThẻ đổi phần thưởng - Poster Making Contest- kung saan ipinakita ang kanilang husay sa pagpinta at pagguhit;

      17 Hulyo - Mayor Timmy Chipeco Mini Caravan for PWD kung saan ay nagkaroon ng Job Fair for PWD, livelihood training (food processing), medical, eye check-up at dental mission, libreng massage, manicure, haircut, legal consultations, at mga problemang may kaugnayan sa civil registration.

      18 Hulyo – Seminar on Rights of PWD

      21 HulyoThẻ đổi phần thưởng – Motorcade na nagsimula sa likuran ng SM Calamba Parking at nagtapos sa Calamba Elementary School (Central 2) na sinundan ng PWD Got Talent Season 3 kung saan sila nagpakita ng kanikanilang galing at talento.

     Patuloy ang pagsuporta ng ating Pamahalaang Lungsod sa mga programa na makapagpapaangat at makapagbibigay kasiyahan sa mga mamamayan ng lungsod sa  tulong ng mga pribadong sektor at PWD Organization ng bawat barangay. Louie Landicho/Marivic D. Balba/Cecil H. Canillas