CITY GOVERNMENT OF CALAMBA

OFFICIAL WEBSITE

9 na Awards, Ani sa Calamba sa Anilag 2019

anilag_new.jpg

Siyam (9) na awards, kabilang na ang 1st Place sa 3D Art Painting Contest, Little Miss Anilag at Dance Revolution ang hinakot ng Lungsod ng Calamba sa katatapos na Anilag Festival 2019. Ikinatuwa ni Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco ang mga naging tagumpay ng kanyang mga kababayan sa pagharap ng mga ito sa Flag Raising Ceremony noong Lunes, 11 Marso 2019.
     Nanalo sina Alvin Manalo at mga kasama ng Grand Prize sa 3d Art Painting Contest habang 3rd Placer naman sina Jeffrey Ofalsa at mga kasama. Itinanghal namang title holder ng Little Miss Anilag si Herly Zianne P. Mariano.
Kampeon naman sa Dance Revolution ang Altas Fusion Krew, isang grupo ng hiphop dancers buhat sa University of Perpetual Help Dalta System – Calamba Campus. Ayon kay Bb. April Violet Cubilla, Performing Art Coordinator ng UPHS Calamba, pinaghandaan ng husto ng mga bata ang naturang kompetisyon at humanga siya sa ipinakitang dedikasyon at tibay ng loob ng mga bata. Aniya, hindi kataka-taka na mag kampeon ang mga ito dahil sa ipinakita nilang kahusayan sa pagsayaw. Ikinatuwa ng mga opisyal at empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba ang naging performance ng Altas Fusion Krew nitong nakaraang Lunes.
     Nasungkit naman ng Calamba Integrated School and 3rd Place sa Street Dance Competition na ikinatuwa ng marami. Ani Bb. Ma. Elena Jocson, “Hindi namin inexpect na manalo sa Street Dancing Competition dahil lahat ng kalahok ay puro magagaling kaya’t laking tuwa naming lahat ng matawag ang Calamba bilang 3rd Placer.”
Thẻ đổi phần thưởng     

Narito ang iba pang nagkamit ng karangalan sa ibat-ibang patimpalak ng Anilag 2019:


Kate Audrey Barahil
2nd Place, Anilag Singing Idol – Kids Category


Julian Roman Bautista at Cherrylyn Mijares
2nd Place, Culinary Arts and Bartending Competition


Daniela Torres
2nd Place, Gandang Lola


Mariel Fajilan
3rd Place, Laguna Lesbian King


Ang Anilag Festival ang opisyal na taunang festival ng Lalawigan ng Laguna na nilalahukan ng lahat ng Lungsod at bayan ng Laguna.
Thẻ đổi phần thưởng-Joel Cabactula