CITY GOVERNMENT OF CALAMBA

OFFICIAL WEBSITE

CALAMBA, SGLG AWARDEE ULI!

sglgCALAMBA, SGLG AWARDEE ULI!

Muling kinilala bilang Seal of Good Local Governance (SGLG) Awardee sa ikalawang sunod na taon ang Lungsod ng Calamba. Tinanggap nina Mayor Justin Marc “Timmy” SB. Chipeco, Vice Mayor Roseller “Ross” H. Rizal, City Administrator Allan Zacarias at City DILG Director Lenie Bautista ang naturang pagkilala sa isang Awards Ceremony na ginanap sa Tent City, Manila Hotel noong 7 Nobyembre 2018. Tinaguriang “Mother of All Awards”, tinatasa ng SGLG ang kalidad ng serbisyo publikong ipinagkakaloob ng mga lokal na pamahalaan sa buong Pilipinas gamit ang pitong (7) assessment areas.

 

Thẻ đổi phần thưởngSa tinatayang 1,682 probinsya, lungsod at bayan sa buong Pilipinas, kabilang ang Calamba sa natatanging 263 na mga local government units (LGUs) na nakapasa sa masusing pagsusuri ng DILG, patunay lamang ito sa patuloy na pag-angat ng antas ng serbisyo publikong ipinagkakaloob ng Calamba sa kanyang mga mamamayan.


“Isang karangalan ang kilalanin bilang SGLG Awardee,” ani Mayor Timmy, “ngunit hindi naman tayo nagtatrabaho para lamang kilalanin. Ginagampanan natin ang ating tungkulin sa ating mga kababayan at nagsusumikap na mahigitan pa ang mga ito sa pamamagitan ng mga innovative programs at proyektong kapakipakinabang sa mga Calambeño. Ang mga pagkilalang tulad nito ay nagsisilbing hamon at inspirasyon pa sa atin upang mas maimprove pa ang ating mga sarili sa mga darating na panahon,” dagdag pa ng punong lungsod.

Sa taong ito, isa ang Region IV-A CALABARZON sa nangungunang limang (5) rehiyon na may pinakamataas na bilang ng mga SGLG Awardees. Sa Lalawigan ng Laguna lamang, apat (4) na lungsod, kabilang ang Calamba at tatlong (3) bayan bukod pa sa mismong lalawigan ng Laguna na Hall of Fame Awardee na, ang tumanggap ng pagkilala.
Thẻ đổi phần thưởngTinanggap nina Mayor Timmy ang parangal buhat kina Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara, Congressman Jose Enrique Garcia III ng ikalawang distrito ng Bataan, DILG Secretary Eduardo Año at DILG Region IV-A Director Manuel Gotis. (Noemi E. Talatala)