CITY GOVERNMENT OF CALAMBA

OFFICIAL WEBSITE

JUNIOR MODEL CITY OFFICIALS

jrJUNIOR MODEL CITY OFFICIALS,

 

IPINAKILALA NA Ipinakilala na ang mga Junior Model City Officials mula sa iba’t-ibang pampublikong paaralan na pansamantalang gaganap bilang mga halal na opisyal at hepe ng mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba noong 14 Agosto 2018. Malugod itong ipinatupad ng bagong halal na Sangguniang Kabataan Pederasyon (SKP) President Kenneth Delas Llagas kasama ang City Youth Development Council at ang buong suporta ni Mayor Justin Marc “Timmy” SB. Chipeco. 

 

Pansamantalang papalit ang mga Junior Models bilang mga opisyales ng City Hall at sila ang gagawa ng mga tungkulin nito. Magsasagawa rin sila ng mga activities at session kung saan maaari silang maghain at magpasa ng mga resolusyon para sa kapwa nila kabataan. Sa swerving-in ng mga JMC Officers, pinaalalahanan ni Mayor Timmy na bilang mga student-leaders ng kani-kanilang mga eskwelahan, dapat manguna sila sa pagpapahalaga sa edukasyon. “Learn before you earn”, yun ang payo ni Mayor sa mga kabataan. “Pahalagahan ninyo ang edukasyon dahil pinaghihirapan ng mga magulang natin ang ating pag-aaral,” ani butihing Mayor. Para kay G. Arturo Mijares, isa sa mga adviser ng mga napiling JMC, masaya siya na nagkaroon ng ganitong pagkakataon ang mga kabataan upang mas makita nila ang malaking bahagi o parte nila sa pag-unlad ng Lungsod. 

 

Itinuturing naman ni Justin John Bustamante, ang counterpart ni Mayor Timmy, na isang hamon ang pagganap bilang Mayor dahil kailangan niyang ibigay ang kanyang buong makakaya upang punan ang expectation ng mga tao. Hinihiling niya ang buong suporta at pakikiisa ng kanyang mga kasamahan para rito lalong-lalo na sa naisin niyang isulong na batas hinggil sa anti-bullying. Naniniwala rin naman siya na magagampanan nila ang kanilang tungkulin dahil nakikita niya na nasa puso ng mga kasamahan niya ang pagiging isang lider. “Kailangan ko munang alamin how the system works at ang mechanism ng department bago magkaroon ng pagbabago at punan ang mga kakulangan,” ani Gomer Fonacier, ang gaganap bilang Information, Investment, Promotions and Employment Services Office (IIPESO) Department Head. Bahagi ang Junior Model City Official sa pagdiriwang ng ‘Linggo ng Kabataan’ na nakasaad sa Sangguniang Kabataan Reform Act 2015 Chapter VI Section 33b na ibinaba ng National Government. 

 

Dito, kinakailangan na ang bawat probinsya, siyudad, munisipalidad, at barangay ay magkaroon ng taunang programa na pang kabataan sa loob ng isang linggo na tatama sa 12 ng Agosto o International Youth Day. Handa na ngang simulan ng mga Junior Models ang kanilang pagganap bilang mga opisyales. Kabilang sa mga napili bilang Junior Model City Officials ang mga sumusunod: 

CITY MAYOR JUSTINE JOHN BUSTAMANTE

CITY VICE-MAYOR MEG SALCEDO 

CITY COUNCILORS CRIS JOHN CARAGAY, MELCHIZEDEK MENDEZ, JAIMEE GRACE BENITO, PAULINE CRUZ, JOANA CIELO, JORDAN HINAGPIS, CHARIZZA ASHLEY PAPIO, MARK NELSON PEREZ, GERALD BENAVIDEZ, EDDISON GREGORIO, CATHERINE ARGOSINO, INAH ROSE TAYAM -Jia Quilao-

undo